Friday, August 12, 2005

Para sa iyo Mahal

Ang iyong patiatiaga sa akin
ay papantay sa pagtiaga ng isang deboto sa kanyang panata.

At anong panata ang aking tinuran?
di walang iba kungdi ang ating panata na magmahalan
gaano man karami ang pagsubok na pagdadaanan.

Madaling magsawa, o manamlay sa pagsuyo
Lalo pa't napakaraming maari din namang magmahal
Ng kasing pantay o di kaya'y higit pa
sa pagmamahal na aking inialay.

Ngunit anong silbi ng pagsuyo
kung hindi ito taos sa puso
Anong silbi ng tamis ng lambingan
kung hindi nito kayang harapin ang pait ng tampuhan
Ano nga ba ang pag-ibig
kung di ang pagnanais na makapiling ka sinta
Sa hirap o sa ginhawa
Sa tamis o sa pait
Sa liwanag o sa dilim
Ganyan nga ang ating pagsuyo
Kaya't abutin man tayo ng unos
Kailan ma'y hindi tayo susuko.

3 Comments:

At 1:37 AM, Blogger juli said...

This comment has been removed by a blog administrator.

 
At 1:39 AM, Blogger juli said...

this blog is undeniably for candy's flattered feelings...

continue to love and cherish!!!

minsan lang kasi dumarating yan. ;)

 
At 11:31 PM, Blogger che_me said...

i love you cindy este candy!

 

Post a Comment

<< Home