kailan kaya sya mawawala?
kahapon paggising ko akala ko nagbago na ang mundo. wala ng kahirapan tapos gingalang na ng gobyerno ang lahat ng karapatang pantao. Libre na rin ang edukasyon, pabahay, gamot (matutuwa dito yung mga kilala kong jeproks ng san andres), at nabubuhay ang lahat ng may ngiti sa labi.
Syempre iba na rin ang gobyerno. Tapos na ang panahon ng mga traditional politicians at ang pumalit na ay isang konseho ng mamamayan, at totoo na ang mga katagang for the people, by the people and of the people, hindi lamang sa salita kungdi sa aktwal na gawa.
tuwang-tuwa nga ako eh.At para bang lahat ng pinagdaanan kong dusa ay napalitan ng kaginhawaan. Bago na ang mundo at maraming posibilidad ang nagaantay sa ating lahat. Nasa ganito akong pagmumuni-muni ng bigla na lang akong nagulat sa isang tunog. Maingay, makulit na tunog... pag mulat ng mata ko alarm pala ng cell phone ko. Bad trip si Gloria pa rin pala ang pangulo. Haaaaaaay kailan kaya natin gagawing totoo ang napanaginipan ko?
Makatulog na nga lang ulit baka paggising wala na si Ate Glo at malaya na tayo.
2 Comments:
kaya nga gumising ka na at baka bangungutin ka na at hindi si ate glo ang mawala...mag kasya na lang tayo sa day dreaming muna sa ngayon... pasasaan ba't matatamo na rin natin ang tagumpay... sa year 3010!
hello garci? noh....
Post a Comment
<< Home