Sunday, July 10, 2005

balik sa dati


akala ko sira na yung blogspot ko, kasi noong una akong nagsubok na mag-post uli ng bago nawala yung commands para dun. tinulungan pa nga ako ng mabait kong ka-officemate na si richie(ana rita talaga yung pangalan nya) na hanapin kung paano mag-post pero ayaw talaga. Kaya gumawa ako ng bagong blogspot yung mundo ni bochok. kaso ang problema naman ngayon iyon naman yung ayaw mabuksan. F*@#r talaga!
Ewan ko ba pero kapag nangyayari sa akin ang mga ganitong mga bagay naiisip ko parati na pinapakumplika ng makabagong teknolohiya ang mga bagay na dapat simple lang sana. gaya nitong pagpo-post sa blogspot. dati kapag may gusto kang sabihin simple lang ang gagawin mo; tumawag ka sa kaibigan mo o kaya magpadala ka ng mga sulat, yung tinatawag na correspondence.
Kapag kilala kang tao yung mga sulat na ginawa mo kahit wala naman talagang saysay (halimbawa nilagay mo lang naman na kumain ka ng tinolang manok) eh maari yung mailathala at gagawin pang reference sa eskwelahan (gaya ng correspondence ni rizal kay blumentritt).Bongga di ba?
Eh ngayon dahil sa may blog na kahit na di ka naman destined for greatness at puro personal angst lang ang kayang mong sabihin eh nadadamay mo na ang ibang tao, dahil sa open publishing nga at pwede nilang mabasa ang ano mang mapagtripan mong sabihin.
Sabagay pag may nakabasa ng sinulat mo at pareho kayo ng hang-up sa buhay eh maaring mangyari sa iyo ang alin man sa mga sumusunod: a. maiinlove sya sa iyo at hahanapin nya ang tunay mong identity hanggang sa maramdaman mo na lang na parang laging may sumusunod sa iyo kahit saan ka pumunta (o di ba? may libre ka ng stalker); b. makaka-relate sya sa mga sinasabi mo at magsusulat sya ng katulad na sintemyento na mababasa ng iba na makakrelate din at magsusulat ng kaparehong sintemyento na magsusulat din na mababasa ng iba na makakrelate din at magsusulat din.....at; k.(may kaugnayan sa b) magbubuo na siya ng fans club o di kaya peer group gaya ng For Active and Responsive Truths o FART.O di ba asteeg!
Tuwing magmemeeting yung FART tatalakayin nila ang anumang sentiments that is bottled up inside them. Syempre may facilitator na aaktong Big FART sa araw na iyon. Pasisimulan ang meeting kapag nagtanong na yung Big FART ng who want's to FART first. Yung unang magiging FART eh syang magbibigay ng kanyang unang FART o First Active and Responsive Truth for the day. O di ba ang saya?
Tapos syempre may classification din ng membership base on age and personal characteristics. Halimbawa: Matanda di old FART, kapag medyo mahiyain eh di silent FART, at kapag naman bombastic eh di Big FART. Meron namang medyo wierdo ang karakter kaya yun naman yung creepy fart. Sabi nila yung mga creepy FART daw yung mas longer lasting ang maiiwang impression at saka maaring manuot sa balat kung di man sa ilong.. este sa isipan ng mga tagapakinig.
Meron din dapat itong motto. Ang magandang motto ng FART ay "Ilabas mo yan dahil masama yan sa katawan." o di kaya ay "don't bottle up the pressure: FART."
Sana kapag nabasa nyo ito ay huwag nyong isipin na i'm just being a FART. sana sa pamamgitan nito ay maengganyo na rin kayong mag-fart. hehehe.

Balik tayo sa unang usapan.....

5 Comments:

At 12:55 AM, Blogger bananarit said...

Farting is such sweet sorrow!

 
At 10:14 AM, Blogger che_me said...

foo foot foo foot

 
At 6:36 PM, Blogger ratatitat said...

Sa kakalabas nga e sumasama ang katawan. Pero okey din talaga pag may blog noh?Lumalabas ang mga dating di naman lumalabas basta basta

 
At 8:11 PM, Blogger len said...

ikaw ba si bochok? naligaw na ko minsan sa blog mo, sayang nga at nawala yon.

 
At 3:24 AM, Blogger cynta said...

mabuhay ang fartsismo!

 

Post a Comment

<< Home